WANT TO LEARN MORE? GOOGLE IT. :)

Friday, February 17, 2012

Para sa UP student na crush ko

Eks. Ekis. X years na akong nabubuhay dito sa Pilipinas, pero ni minsan di ko man lang nagawang magkaroon ng totohanang (seryosong) girlfriend, yung walang halong biro o signo ng panandaliang aliw. 

Nag-daan na din ang malaki-laking bilang ng mga araw, at marami din naman akong natipuhang babae, pero sa di matanggal na katorpehan e wala pa din akong napapasagot. Ano ba naman ang isasagot niya, kung sa kauna-unahan pa lamang ay wala namang tanong?

Paano ba magtanong? Ganito ba dapat: hi, pwede ka bang i-take out? O: uy, kumusta (sabay tameme)?

Tuwing may natitipuhan akong babae, andami agad lumalabas na ideya ng pagsuyo sa kukote ko, na kahit ako eh napapangiti na din sa kilig, mala-A Crazy Little Thing Called Love. Pero parang abot-isip lamang ang mga ito, dahil sa mundo ng pagsuyo sa kanila, pinangungunahan na agad ako ng takot at kaba. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may kotse na, tapos hot pa?

Takot, na baka malaman niya ulit na gusto ko siya (kahit na alam niya naman, iwas mode nga lang). Kaba, dahil baka magkamali ako sa harap niya (gaya nang mauntog as wall extinguisher case). Mukhang sa aspetong pag-ibig ng buhay lamang na ito ako hindi naging matagumpay, na magpapatotoo na wala talagang perpektong tao sa mundo.

Ako na nga siguro ang pinakamabait, malambing at mapagkakatiwalaang kaibigan na makakasama ninuman, di ko rin naman masasabing pangit ako dahil may mga nagkagusto na din sakin. Ngunit tila, kung sino pa ang gusto mong makasama, siya pa ang hindi mo makuha. Kung sino pa ang di mo gusto, habol nang habol pa sayo. Kahit sa mga naging karibal ko, ako naman talaga ang nakakalamang; nagkulang lang ako sa tulak.

Kaya, kung may kakilala ka mang mangmang o tuliro o torpe na kagaya ko, pakitulak naman nang matauhan. Kailangan din namin ng ganun. 

Para sa babaeng siyang dahilan nang pagpupumilit-sumikap kong maabot ang standards, para sa UP student na tatlong taon ko nang gusto (at alam niya naman), grabe, magparamdam ka naman. Ayoko nang mag-isa. Salamat.