SMP. Samahan ng mg malalamig ang Pasko. Ang koponang tradisyonal na nabubuo sa tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre. Isa ako sa mga kasapi nito, for four years! Me already!
Baka isipin mong sa buong buhay ko hindi pa nahuhulog loob ko sayo, este, sa iba. Alam mo, marami na akong minahal na babae. Bawat taon ata, walong taon ang nakakaraan, may na-lilink sa akin. Noong mga taong iyon, beasty hippo pa ako, kaya naiirita sila kung bakit kailangan pa nilang mainsulto sa ganung biruan.
But, sa pagdaan ng panahon, unti-unting nagbago ang hulma ng kapalaran. Ang dating beasty hippo, nagbago ng anyo, without artificial interference. From beasty hippo to charming snow leopard. It's in the genes, sabi nila. Ang dating kinaaayawan at pinagtatanggihan ng mga babae, naging katanggap-tanggap na.
Pero, sa kabila ng mga pagbabago, ako pa rin ang nahirapan. Bilanggo ng SMP. Dahil bawat babaeng dumadaan sa buhay ko ay pawang isang napakagandang tanawin lamang. Isang abot-tingin lang, kinatatakutan kong akyatan. Kaibigan.
Natakot akong masaktan. Yun yon eh.
Magtatapang-tapangan na ako. Santa, hinahamon kita. Isang wish lang ang hinihiling kong matupad. Isang pang-matagalang Ninalyn Uy po, please. Isang tulad niya, na kailangan ng maraming kalalakihan ngayon. Isang tulad niya, na lunas sa pagkatorpe. Isang tulad niya, na kayang sutsutin ang batas ng pagmamahal.

Asahan mong hindi ko siya sasaktan, hindi tulad nang nangyari sa akin way back. Asahan mong, kahit halos lahat ng laman ng regalong hinahatid mo sa akin noon ay mga laruan, hinding-hindi ko siya paglalaruan. Asahan mong hindi siya magsisi sa ginawa niyang pananawagan.
Asahan mong, sa mundo niya, hindi na siya mag-iisa.
P.S. May nalalabing 13.5 hours ka pa para maihanda ang regalo ko. Salamat. Mas gugustuhin ko pang matulog sa kakahintay, kesa sa magising sa katotohanan. Sana'y pakinggan mo ako.
Hindi Mo Lang Alam
P.S. May nalalabing 13.5 hours ka pa para maihanda ang regalo ko. Salamat. Mas gugustuhin ko pang matulog sa kakahintay, kesa sa magising sa katotohanan. Sana'y pakinggan mo ako.
Hindi Mo Lang Alam