WANT TO LEARN MORE? GOOGLE IT. :)

Saturday, December 24, 2011

Hindi Mo Lang Alam

Mahigit apat na taon na tayong magkakilala.

Sa mga araw na nagdaan, nakita ko kung paano tayo lumaki karamay ang isa't isa. Naaalala mo ba yung mga araw na kumakanta ako kahit wala sa tono, kahit na nakakahiya sa harap nang maraming tao? Malakas lang talaga loob ko noon. Hindi naman kita bestfriend, pero gabundok talaga ang tiwala ko na kapag kasama kita, kaya kong maging Red Horse. Extra strong.

Magkaibigan lang tayo noon. Wala pang makukulay na mga ngiti. Wala pang hawak sa kamay. Wala pang dahilan para magkahiyaan. Wala pang kahulugan sa bawat galaw na tumatatak sa mga araw na nabibilang.

Sayang lang at hindi mo alam to.

Malapit nang matapos ang buhay Isko natin. Sana tayo na. Tanungin mo na ako, 'di na uso na lalaki ang nagtatanong e.